NHD.jpgBANGON KABATAAN

By: Rachel Ann B. Pedroso

Kanino ka babangon?

Kanino ka kakampi?

Kanino ka lalaban at makikipagbuno?

Kabataan, dapat ka bang asahan ng bayan? O, ikaw na walang boses, iika-ika at di makatingin nang diretso, ikaw mismo ay umaasa lamang sa biyaya ng bayan mo?

Lumingon ka sa nakaraan, basahain mo sa mga pahina ang pakikipag-aklas noon. Magtanong ka sa iyong mga ninuno kung paanu sila lumaban at nabigo, nagtago ngunit nahuli sa akto ,kinulong, binugbog, tumangis, lumuhod…

Dugo ang pinuhunan ni Lapu-lapu. Talinghaga ng salita, tulis ng lapis at talim ng isipan ang nagpunyagi kay Jose Rizal.

They bled for us, they rebuild us.
Lumaban sila at pinahirapan. Namatay, iniwang nabulok, naagnas ang mga bangkay. Kinalimutan, sa puso at alaala, kahit sulyap sa bantayog ay di naalala. Walang kandilang nakasindi, walang bulaklak na inalay, walang dasal na inusal.

Sila na nakahawak ng armalite noon, sila na nakipagrebolusyon, sila na nakisigaw at nakirally sa EDSA, sila na umasa at umaasa pa rin… kahit limot na ang sakit, paulit ulit, walang humpay at sunod sunod ang buka ng bibig, “Kabataan ang pag-asa ng bayan”.

Gusto kong managinip, maniwala at umasa…umasa sa mga salita ng matanda na palakad lakad, paroon at parito sa Home for the Aged , na tayo nga ang magsisilbing araw sa nadirimlang Pilipinas.

Lakas at tapang ng boses, tulis at talino ng salita, yan lng ang armas natin mula sa mga taong gahamna sa pera, puwesto at kapangyarihan. Abot tanaw ko pa rin sila, headline ng mga balita, frontpage ng mga babasahin, trending sa internet,sila, sila sila, na nakaupo at nakangisi… old and resilient yet wouldn’t let go of their power and influence.

Are we that helpless? Gaano tayo ka ugaga para tumunganga?  Dahil ba mahirap tayo? Financially or intellectually? We were deprived of opportunities. I am one of the despicable traitors who left my country dahil sa limitadong mga pagpipilian.

Nanlupaypay ako sa pangako ng mga nakakatanda at ngayon, binigo ko rin ang mga nakababata sa akin.  Huli na ba ang lahat? Patay na ba ang pag-asa ng bayan?

Bumangon ka.

Kakampi mo ang araw na may tatlong bituin, mula sa mga ugat mo nananalaytay ang lakas ni Lapu-lapu, ang dunong ni Jose Rizal at ang nag-aalab na hangad na lumaban mula sa puso mo, Kabataan.

Tanod ka ni Pilipinas. Batakin mo ang iyong tabak. Magsisimula na ang iyong laban.

Advertisements