nature-wallpapers-high-resolution-spring-blue-sky-and-green-grass

sana kahit minsan

mahaplos ko ang langit

mahiga sa ulap

at iduyan ng hangin

sana kahit minsan

maabot ko ang mga bituin

mayakap ang ningas nito

at mabighani sa ningning

sana kahit minsan

mayapos ko ang buwan

madarang sa liwanag

dumalisay at umalam

sana kahit minsan

maangkin ko ang araw

sa nag-aalab na apoy

akoý tatangis at tatapang

sana kahit minsan

akayin ng hangin ang aking hiling

sa himpapawad lumakbay, lumipad

patungo sa dako paroon.

Advertisements